Add parallel Print Page Options

17 Sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, lalaki na naman ang isisilang mo.” 18 Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni,[a] ngunit Benjamin[b] naman ang ipinangalan ni Jacob.

19 Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daang patungo sa Efrata na ngayon ay Bethlehem.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 35:18 BENONI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “anak ng aking pagdadalamhati”.
  2. Genesis 35:18 BENJAMIN: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “anak na pagpapalain”.